Saturday, September 6, 2008

Buterfloo Effect

Grabe ang aking na-experience kagabi. So may hangover pa ako at super wasak pa kahit na may duty ako ng 10pm-6am. 6:30 am na kasi kami naka-uwi after gumimik tapos hindi pa ako nakatulog nang maayos. Nung gabi na, 8pm ako dapat aalis para di ako ma-late sabay biglang ulan nang malakas tapos grabe nga ung kidlat.

Nung pag-baba ko sa Zapote, super baha na kulay black and amoy poopoo. Tumapak ako sa kaisa-isang elevated
na "island" na may drainage na ipis ang lumalabas instead of kanal water. KADIRI! Kaya ayun! Umiiwas ako sa sangkatutak na ipis na lumilipad, gumagapang at kumakapit sa unwary victims at sa water na yuckness talaga. Buti na lang may jeep na papuntang Imus na nakatigil lang kaya umusog lang sya ng onti para wala sya sa baha tapos pina-sakay nya ako. E di solb na. No more ipis and flood.

Habang umaandar, medyo bumagal nang bahagya sa isang portion malapit sa isang palengke. Biglang umalingasaw ang napaka-sangsang na amoy ng mas matindi pang baha. This time nag-sanib pwersa na ang amoy ng kataehan at basura. So, na-yuckness talaga ako. Ung bata pa sa harap ko enjoy ever sa pag-sabi ng "Ambahu! Ambahu!" habang naka-nganga. Nalanghap na nya ang ka-sukang yuckness ng hangin. Tawa na lang ako habang naka-takip ng panyo na nilagyan ko ng duct tape across my face para di maalis.

At dahil nga di na ako maka-recover kakatawa dahil dun sa batang na-mention ko, habang nagtititili sya ng "Ambahu!" may sumakay na teenage cute straight gay guy. Ay sya! Naka-XXXXXS na shirt, pekpek shorts at shoulder bag! Tapos ang mas kapansin-pansin ay ang kanyang headgear. Mas ma
laki pa sa libro ko ung butterfly nyang kulay yellowgreen na naka-ipit sa headband nya of the same color. Na-windang ako! Naisip ko "Oh gosh! May sayaw ba itech?"

Habang yumuyugyog ang jeep at nag-rereview ako, sumasabay naman ang pag-pagaspas ng kanyang paru-parong ayaw tantanan ang face ko. Inalis nya ang kanyang matching butterfly dahil sinabi nung katabi kong hotness na "Iho. baka mamatay ang butterloo mo." Pero ayaw talaga paawat ni kuya at ikinabit uli ang kanyang accessory sa ulo! Suskupo! Na-sandwhich ako ng dalawa na nag-tititigan at tumatawa kada kumpas ng butterfly! Ang mga kasakay ko sa jeep ay nakitawa na din.


Ako naman ay nakatakip ang ilong dahil ang bata ay sumisigaw pa rin ng "Ambahu!" at masangsang pa rin ang kapaligiran. Idagdag na rin sa kadahilanan ang fact na gusto ko nang tumawa ng sobrang lakas sa diri. Yuckness talaga! Nilanghap nila ang baho ng masamang weather!

Bingi pa si mamang driver. Kailangan mong mag-para ng paulit-ulit hangang sa magmistulan kang si Parasect kakasabi ng PARA! PARA! PARA! Putangina talaga!

Buti nung pababa na ako, tumigil sya kasi may sasakay. Ay sus! lumundag ako pababa ng jeep. Sumabit ba ung libro ko sa paru-paro ni kuya! naku naman talaga!


-Jake Ponce